Ang mga
kamelyo o
kamel ay mga
unggulado at
kubang hayop na magkakapantay ang mga
kuko na kabilang sa
saring Camelus. May isang
kabukutan o bukol sa likod ang mga kamelyong Arabo o dromedaryo, habang dalawa naman ang mga kabukutan sa likod ng mga baktriyanong kamelyo. Katutubo ang mga ito sa mga tuyong
disyerto ng kanlurang
Asya, at ng gitna at silangang Asya. Sa hanay na pangkasarian ng mga kamel, tinatawag na
kamelyo ang mga
lalaki, samantalang
kamelya naman ang mga
babae.