Ang
hunyango o
hinyango (
Ingles:
chameleon) ay isa sa mga higit na kilalang mga
uri ng maliliit na mga
butiking kabilang sa
pamilyang Chamaeleonidae (mga
iskwamata) na may kakayahang magbago ng kulay. Sa katawagan nito sa Ingles, nanggaling ang salitang
chameleon mula sa isina-Latinong (Latinisado) anyo ng
Sinaunang Griyegong χαμαιλέων (
khamaileon), mula sa
χαμαί (
khamai) "nasa lupa, nasa ibabaw ng lupa" at
λέων (
leon) "
liyon", at bilang pagsasalin ng
Akkadian na
nēš qaqqari, "liyong panglupa" o "liyong-lupa". Mayroon silang mga madirikit na mga dila na napapahaba hanggang sa dalawang ulit ng haba ng kanilang mga katawan, at ginagamit sa panghuli ng mga pagkain nilang mga
kulisap. Napapagalaw nila sa magkaibang direksyon ang bawat isa sa kanilang mga
mata.