Ang
bitak na panggulugod (Ingles:
spinal canal,
vertebral canal, o
spinal cavity), tinatawag ding
hukay na panggulugod,
puwang na panggulugod o
kanal na panggulugod, ay ang puwang o patlang na nasa loob ng
gulugod kung saan dumaraan at lumalagos ang
kurdong panggulugod. Isa itong proseso ng panlikod o dorsal na
puwang sa katawan ng tao. Ang kanal na ito ay nakalakip sa loob ng porameng bertebral ng gulugod (bertebra). Sa loob ng mga puwang na interbertebral, ang kanal ay pinuprutektahan ng ligamentum flavum sa likuran (posteryor) at ng posteryor na longhitudinal na ligamento sa harapan (anteryor).