Ang
Kanser (Ingles:
Cancer) na kilala sa medisina bilang
malignanteng neoplasma ay isang malawak na pangkat ng iba't ibang mga sakit na lahat ay sumasangkot sa hindi na-regulang paglago ng
selula. Sa kanser, ang mga
selula ay naghahati at lumalago ng walang kontrol. Ang kanser ay maaari ring kumalat na tinatawag na
metastasis sa mas malayong mga bahagi ng katawan sa pamamagitan ng
sistemang limpatiko o daloy ng dugo. Hindi lahat ng mga tumor ay kanseroso. Ang mga tumor na benign ay hindi lumalago nang walang kontrol, hindi sumasalakay sa ibang mga kapitbahay na
tisyu at hindi kumakalat sa buong katawan. Mayroon mga 200 iba ibang alam na mga kanser na dumadapo sa mga tao. Bukod sa tao, ang kanser ay isa ring pangunahing sakit ng mga alagang hayop(pets) kabilang ang mga
aso at
pusa. Sa isang pag-aaral, 45% ng mga
asong umabot sa 10 taong gulang o mas matanda rito ay namatay sa kanser.