kapanahunan ng Bibliya


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Panapanahon sa Bibliya
Ang mga panapanahon sa Bibliya ay ang mga petsa, kaarawan, panahon, o nasasakop na kapanahunang itinakda - nakaugalian man, pagtataya, o tiyakang matutukoy - para sa mga pangyayaring naganap o nabanggit sa Bibliya. Kaugnay ng mga pagkakasunud-sunod ng mga kaganapan noong pinakamaagang mga panahon, partikular na ang nasa Lumang Tipan ng Bibliya, maaari lamang makapagbigay ng mga tinatayang petsang nakapaloob sa isang piniling daantaon. Hinggil sa mas huling bahagi ng ikalawang milenyong BK (bago dumating si Kristo), may tiyakang makapagtatakda ng kaarawang nasa loob ng piniling dekada, dahil ito sa mga natuklasang mga mas nakapagpapatibay na mga tala. Samantalang nakapagtakda naman ng petsang nasa loob ng piniling taon ang mga nangyari sa huling mga libong taon BK, bagaman may mga pagkakaiba-iba ang mga pagtataya ayon sa ginagamit na kalendaryo. May gumagamit ng kalendaryong lunar (ayon sa galaw ng buwan) at mayroong gumagamit ng solar (ayon sa galaw ng araw). Para sa kapanahunan ng Bagong Tipan ng Bibliya, mas lubos ang katiyakan ng pagtatakda ng mga pagkakasunud-sunod ng mga panahon ng mga pangyayari bagaman may mga petsang hindi talaga malalaman ng may katiyakan, katulad ng kapanganakan ni Hesus at ng kaniyang pagkakapako sa krus.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.