Ang
tuklong,
kapilya, o
bisita (
Ingles:
chapel,
Kastila:
capilla) ay isang pook o gusaling - maliit na
simbahan - itinuturing na banal at sambahan para sa mga
Kristiyano. Maaari itong nakakabit sa isang kayariang katulad ng isang
simbahan,
kolehiyo, ospital, palasyo, bilangguan, o kaya
libingan. Maaari rin itong isang malaya at gusaling hindi naman nakadikit sa isa pang gusali.. Maaaring hindi ito isang malaking simbahang kapanalig ng isang parokya sa isang barangay o baryo, o nayon, sapagkat pribado o pansarili, o mayroong natatanging layunin. Sa mga baryo o barangay, maaari itong yari sa nipa at
kawayan na nagsisilbing isang pansamantalang dambana o sambahan hanggang sa maging isang ganap na pangmatagalan at mas matibay na gusali.