Ang
karag (Ingles:
toad, Kastila: ) ay tumutukoy sa isang bilang ng mga uri ng mga
ampibyanong nasa orden ng
Anura. May pagkakaibang ginagawa sa pagitan ng mga
palaka at mga karag sa pamamagitan ng kanilang anyo, na inudyok ng pagpunta ng mga karag sa tuyong mga kapaligiran o tirahan. Marami sa mga karag ang may parang katad na balat para sa mas mainam na pagpapanatili ng tubig sa kanilang katawan, at kulay na kayumanggi para sa kakayahang magtago o magkubli. Mahilig din silang maghukay o maglungga para ibaon o ikubli ang sarili. Subalit hindi maaasahan na indikasyong sukatan ng mga ninuno nito ang mga adaptasyon o katangiang ito, dahil sinasalamin lamang ng
taksonomiya ang ugnayang pang-ebolusyon o ng kanilang pag-unlad bilang hayop. Walang halaga ang anumang kaibahan sa pagitan ng mga palaka at mga karag sa kanilang klasipikasyon.