Ang mga
karapatang pantao ay tumutukoy sa "payak na mga
karapatan at mga
kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao." Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapatan at mga kalayaan, na karaniwang iniisip bilang mga karapatang pantao, ang mga karapatang sibil at politikal, tulad ng karapatang mamuhay at
kalayaan, kalayaan sa pagsasalita, at ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; at mga panlipunan, pangkalinangan at pangkabuhayang karapatan, kasama ang mga karapatang makilahok sa
kalinangan, karapatan sa pagkain, karapatang makapaghanapbuhay, at karapatan sa
edukasyon.