Ang
karbon, tinatawag ding
uling, ay isang nalatak na
bato na handang masunog at
maitim o kulay-
kayumangging itim. Tinatangi din ang mga anyong matigas, katulad ng antrasitang karbon, bilang metamorpikong bato dahil sa kalaunang paglantad sa mga nakataas na temperatura at presyon. Pangunahing binubuo ito ng
elementong kimikal na
karbon kasama ng iba't ibang dami ng iba pang mga elemento, lalo na ang
asupre,
idroheno,
oksiheno at
nitroheno.