Ang
sistemang sirkulatoryo,
sistemang pangsirkulasyon,
sistemang pangkalat,
sistemang pampalaganap o
sistemang kardiyobaskular (
Ingles:
circulatory system o
cardiovascular system) ay isang
organong nagdadala at nagkakalat ng mga sustansiya, mga hangin, at dumi patungo at mula sa mga
selula, at tumutulong sa pagpapanatili ng antas ng temperatura at
pH upang makalinga ang homeostasis. Habang ang mga
tao, maging ang ibang mga
bertebrado ay may
saradong sistemang sirkulatoryo, ang ilang mga grupo ng
imbertebrado ay may
bukas na sistemang sirkulatoryo. Ang
lapi o
phyla, na isang pinakakatutubo o isinaunang
hayop, ay walang mga sistemang sirkulatoryo.