karga ng kuryente


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Karga ng kuryente
Ang karga ng kuryente o sibasib ng kuryente ay ang payak na katangiang-pagaari ng mga elektron, mga proton, at iba pang mga partikulong sub-atomiko. Ang mga elektron ay may kargang negatibo o negatibong sibasib habang ang mga proton ay may kargang positibo. Ang mga bagay na may kargang negatibo at mga bagay na may positibong karga ay humahatak o humihila (umaakit) sa isa't isa. Dahil dito, nagdidikit-dikit ang mga elektron at mga proton upang bumuo ng mga atom. Ang mga bagay na may makapareho o magkatulad na karga ay nagtutulak na papalayo (tumatanggi) sa isa't isa. Tinatawag itong Batas ng mga Karga o Batas ng mga Sibasib. Natuklasan ito ni Charles Augustin de Coulomb. Ang batas na naglalarawan kung paano malakas na hinihila at tinutulak ng mga karga ang bawat isa ay ang Batas ni Coulomb.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.