Ang
lambing,
maglambing, o
paglalambing (Ingles:
caress) ay maaaring tumukoy sa pagpapakita ng himanting, pagkawili, pagmamahal, pagkagusto, pagkakakursunada, o pagkahilig, pagkandili, pagsasaalang-alang, sa tao, hayop, at iba pang katulad na mga bagay. Isang halimbawa ng pangungusap na nagpapakahulugan ng diwang ito ang "
Maglambing ka naman ng konti sa iyong kasintahan." Katumbas ang
lambing ng mga salitang
kalinga,
kumalinga,
alindog,
umalindog,
palayawin (may kaugnayan sa
palayaw),
alintana,
karinyo,
gamlang, at
alindugin, na may kaugnayan sa pagpapakita at pagpapadama ng pag-iingat (sa diwa ng "iniingatang masaktan", katulad ng sa pariralang "Mag-ingat ka, mahal ko."), sapagkat may malasakit ang taong naglalambing. May kaugnayan din ito sa iba pang mga salitang may kaugnayan sa
pisikal (ginagamitan ng
katawan o bahagi ng katawan) na paglalambing katulad ng
haplos,
hagod,
himas,
lamyos,
halik,
yakap, at
yapos.