karsonsilyo


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Karsonsilyo
Ang karsonsilyo o brip (Ingles:brief;Kastila:calzoncillo) ay tumutukoy sa panloob na salawal na panlalaki na may iba't ibang kulay, maliit at bikini ang istilo ng tabas. Nagbibigay ito ng suporta sa bayag kumpara sa tradisyunal na boxer shorts na tinatawag din na karsonsilyo, kaya kadalasang ito ang salawal na naaayon para sa mga pisikal na gawain gaya ng palakasan. Suot ang karsonsilyo ng mga lalaki sa loob ng salawal upang kahit bumuka ang salawal ng lalaki ay hindi basta-basta makikita ang mga bayag nito. Mahalaga ang kalidad ng tela ng karsonsilyo para maginhawaan ang susuot nito. Binabaybay din itong karsunsilyo, kalsonsilyo at kalsunsilyo.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.