Ang
kasalanan ng kanunuan o
kasalanan ng kanunu-nunuan ay ang paksa ng isang doktrinang
Kristiyanong itinuturo ng Silanganing Ortodoksiyang Simbahan. May mga dalubhasang tumuturing dito bilang pagkiling patungo sa
kasalanan, isang mana mula sa kasalanan ng mga
kanunu-nunuan. Sa diwang ito, ang pinakaninuno ng
sangkatauhan ay si
Adan. Subalit karamihan sa mga dalubhasa ang ipinagkakaiba ito mula sa ganitong daloy o tendensiya na nananatili kahit sa mga taong
binyagan, dahil ang
kasalanang pangninuno ay natatanggal sa pamamagitan ng
binyag.