kasarian


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kasarian
Ang kasarian, tauhin, o seks (Ingles: gender), sa karaniwang gamit, ay tumutukoy sa pagkakaiba sa pagitan ng mga lalaki at ng mga babae. Sinasabi ng Encyclopædia Britannica na ang pagkakakilanlang pangkasarian ay "pagkakakilala ng isang indibidwal sa pagiging lalaki o babae, na kaiba sa tunay na kasariang biyolohikal." Bagaman ang salitang kasarian ay karaniwang ginagamit din bilang katumbas ng salitang seks (Ingles: sex), karaniwang itong tuwirang tumutukoy sa pagkakaibang panlipunan sa loob ng mga agham panlipunan, na tinatawag na papel na pangkasarian sa mga agham biyolohikal. Sa larangan ng kasaysayan, na ang peminismo ang lipunan ang nagtakda ng mga papel na pangkasarian, at walang batayang pam-biyolohiya. Maaaring tawaging mga transhender o genderqueer, sa wikang Ingles, ang mga taong nakadarama na ang kanilang mga tunay na katawan ay hindi kaakibat ng kanilang pagkakakilanlang pangkasarian.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.