kasibaan sa pagkain at inumin


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Katakawan
Ang katakawan o glutoniya ay ang kasibaan sa pagkain at inumin o labis na pagkonsumo ng pagkain, inumin, at mga bagay na nakalalasing o intoksikante na umaabot sa pag-aaksaya. Sa ilang mga Kristiyanong denominasyon, itinuturing ito bilang isa sa pitong nakamamatay na mga kasalanan sapagkat isa itong wala sa lugar o hindi tamang pagnanais ng pagkain o pagkakait sa mga maralita at nangangailangan, sapagkat kumakain ng labis ang isang tao o kaya gumagawa ang tao ng paraan upang hindi mapunta ang pagkain o inumin patungo sa mga may kailangan nito. Nagbuhat ang salitang glutoniya mula sa Ingles na gluttony, na nagmula naman sa Lating gluttire na nangangahulunang lununin, lulunin, o lunukin.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.