Ang
kapangakuan ng pagpapakasal o
kasunduang pagpapakasal, na tinatawag ding
tipan o
tipanan, ay isang pangako ng
pagpapakasal, at ang panahon na nasa pagitan ng pag-aalok na magpakasal at sa mismong kasalna maaaring maging matagal o pangkaraniwan lamang. Ang tagal ng pagliligawan ay malawakan ang pagkakaiba-iba. Ang mahahabang mga panahon ng pagkakaroon ng pangako ng pagpapakasal ay dating karaniwan sa pormal na mga inareglong kasal at karaniwang inaayos na ng mga magulang ang kapangakuang ito ng pagpapakasal ng kanilang mga anak bago pa man sumapit ang ipinagpaparis sa hustong edad ng pagpapakasal.