Ang
damit panloob o
kamisadentro (
Ingles:
undergarment,
underwear,
underclothes,
underclothing;
Kastila:
ropa interior) ay ang mga
damit na isinusuot na nasa ilalim ng iba pang mg kasuotan. Pinananatili nilang malinis ang panlabas na damit na dumudumi dahil sa
pagpapawis. Hinuhugisan din ng mga ito ang
katawan at nagbibigay ng suporta para sa mga bahagi nito, at sa malamig na panahon o klima ay tumutulong sa nakasuot ng mga ito upang mapanatiling mainit ang katawan. Magagamit ang damit na panloob upang proteksiyunan ang katimtiman o kapitagan ng nagsusuot, at pati rin ang gawing kabigha-bighani ng nagsusuot. May mga uri ng damit panloob na may kahalagahang
pang-relihiyon. May ilang mga uri ng damit na ginawa upang isuot bilang damit na panloob, habang ang iba naman na katulad ng mga kamiseta o T-shirt at ilang partikular na mga uri ng
salawal ay kapwa maaaring gamitin bilang damit na panloob o bilang damit na panlabas. Kung yari sa angkop na tela, ilang uri ng damit panloob ang maaaring magsilbi bilang damit na panggabi o kaya
damit na pampaligo.