Ang mga
katad ay mga balat ng malalaking hayop, katulad ng
baka o mga
wangis-baka, na dumaan sa proseso ng panggagamot o pagluluto para mapanatili ang kanilang katibayan at angking katangian. Isa sa mga pinakaimportanteng gamit nito ang kaugnay ng paggawa ng mga
sapatos. Marami pang ibang bagay na yari sa katad. Ilan sa mga halimbawa ang dyaket, mga mahahabang pangginaw,
palda, at iba pang mga
damit. Pinaggagamitan din ng katad ang mga
bag,
bagahe, sinturon, mga kasangkapang-pambahay o pangopisina, at mga kagamitan sa
paglalaro tulad ng sa
golp.