Ang
katakawan o
glutoniya ay ang kasibaan sa pagkain at inumin o labis na pagkonsumo ng pagkain, inumin, at mga bagay na nakalalasing o intoksikante na umaabot sa pag-aaksaya. Sa ilang mga Kristiyanong denominasyon, itinuturing ito bilang isa sa
pitong nakamamatay na mga kasalanan sapagkat isa itong wala sa lugar o hindi tamang pagnanais ng pagkain o pagkakait sa mga maralita at nangangailangan, sapagkat kumakain ng labis ang isang tao o kaya gumagawa ang tao ng paraan upang hindi mapunta ang pagkain o inumin patungo sa mga may kailangan nito. Nagbuhat ang salitang
glutoniya mula sa Ingles na
gluttony, na nagmula naman sa Lating
gluttire na nangangahulunang lununin, lulunin, o lunukin.