Ang
katapangan ay ang kakayahan ng isang tao na harapin ang
takot,
hapdi,
panganib, kawalan ng katiyakan, o
intimidasyon (pananakot). Ang
katapangang pisikal ay ang katapangan habang may kinakaharap na kahirapang pangkatawan, pagbabata, kamatayan, o panganib na kamatayan; samantalang ang
katapangang moral ay ang kakayahan na
kumilos ng tama sa harap ng popular na oposisyon o pagsalungat, pagkapahiya, iskandalo, o pagkasira ng loob at panghihina ng kalooban, pati na ng kawalan ng pag-asa.