Sa
sosyolohiya o
antropolohiya, ang
katayuang panlipunan o
kalagayang panlipunan (Ingles:
social status) ay ang karangalan o ranggo (kahanayan) ng posisyon o puwesto ng isang tao sa loob ng isang
lipunan. Ang mga tao ay nagkakamit ng katayuan sa lipunan sa papamagitan ng sarili nilang gawa o pagsusumikap, at tinatawag na
katayuang nakamtan o
kalagayang nakamit. O kaya, ang mga tao ay nagkakaroon ng lugar o estado sa isang sistemang panlipunan sa pamamagitan ng pagkakapanganak sa loob ng katayuang ito, at tinatawag ang namanang posisyong ito bilang
naitalagang kalagayan o
nakatalagang katayuan.