Ang
kawing kimikal (chemical bond) ay balaghang pagkakabit-kabit ng mga
atomo upang makabuo ng isang maayos at mataas na sangkap gaya ng
molekula o istrukturang kristal. Ang lahat ng kawing kimikal ay nangyari dahil sa pagniniig ng mga
elektron ng mga atomong bumubuo rito. Karaniwan, ang mga elektrong ito ay bahagi ng inugang atomiko (IA)
(atomic orbital) ng isang atomo; ngunit sa kawing ng dalawang atomo, bumubuo ito sa inugang molekular (IM)
(molecular orbital). Ang pagniniig na ito ng elektron at nukleyo (pula ng atomo) ay pwersang pundamental ng elektromagnetismo. Ang mga atomo ay bumubuo ng isang kawing kung ang kanilang ikiran o inugan ay mas mababa sa enerhiya kapag sila ay nagniniig sa isa’t isa.