kilo


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kilogramo
Ang kilogramo ay isang metrikong yunit na naglalarawan ng masa. Katumbas ito ng 1,000 gramo, at pinapaikli rin bilang kilo na may sagisag na kg o kgs. Katumbas ng opisyal na kilogramo ang masa ng partikular na piraso ng platino-iridyo nakatago o nakalagak sa ParisPransya. Ito lamang ang natitirang yunit ng SI na nilarawang kailangan ihambing sa ilang mga bagay. Mayroon na ngayon mga pagsubok upang ilarawan ang kilogramo sa ibang paraan, halimbawa ang pagtukoy ng bilang mga atomo ng partikular na mga sustansiya habang nasa partikular na temperatura. Bahagyang mas mahigit ang isang kilogramo kaysa 2.2 mga libra. Katumbas ng isang tonelada ang 1,000 mga kilogramo. Nasa bandang isang kilogramo ang isang litro ng tubig.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.