Ang
kita o
kinita (Ingles:
income) ay ang pagkakataon ng pagkonsumo o pag-iimpok na nakakamit ng isang
entidad o “katawan” sa loob ng isang tiyak na balangkas ng panahon, na pangkalahatang nasa anyo ng kasunduang pampananalapi. Ngunit, para sa mga katulong sa bahay at mga indibiduwal, ang kita ay ang kabuuan ng lahat ng mga
sahod o kinita ng mga manggagawa, ganansya, gana, o pinagbentahan, mga bayad na tubo o nabayarang patubo, mga bayad sa paarkila (katulad ng renta o bayad sa paupahang bahay o apartamento), at iba pang uri ng kitang tinatanggap sa loob ng isang inilaang panahon. Para sa mga kumpanya, ang kita ay pangkalahatang tumutukoy sa netong kinita: ang natitira pa sa perang pumapasok sa negosyo o
kitambayan kung ukol sa pamahalaan pagkaraang mabawas na ang mga gastusin o ginastos. Sa larangan ng ekonimiyang pampubliko, maaari itong tumukoy sa akumulasyon o pagkaipon ng kapwa kakayahang makakonsumo o makatanggap ng kabayarang salapi o hindi salapi, kung saan ang hindi salaping kabayaran ay ginagamit bilang panghalili para sa kabuuang kita.