- Tungkol ang artikulong ito sa sakit bilang negatibong pansariling karanasan ng hapdi. Para sa mas malawak na konsepto, tingnan ang paghihirap o pasakit. Para sa terminong sakit ng medisina, tingnan ang karamdaman.
Sang-ayon sa Pandaigdigang Samahan para sa Pag-aaral ng Hapdi (
International Association for the Study of Pain, IASP), makikita ng isang indibiduwal ang pagkakaiba ng
sakit o
hapdi at ng
nosisepsyon. Isang pansariling karanasan ang sakit na kasama ng nosisepsyon, ngunit maaaring mangyari ng walang kahit anong
estimulo. Kabilang dito ang
emosyonal na pagtugon. Isang kataga sa neyuropisyolohiya ang nosisepsyon na pinapaalam ang isang aktibidad sa mga daanan ng nerb. Nagpapadala ng mga di-kaayaayang senyas ang mga daanang ito na hindi palaging masakit. Bagaman maaaring kasama ng sakit ang pagkawasak ng
tisyu o
pagkamaga, kadalasang hindi ganito ang kaso.