Ang
halik o
paghalik ay ang pagdampi ng mga
labi ng isang tao sa ibang lugar, na ginagamit bilang pagpapahayag ng damdamin, paggalang, pagbati, pamamaalam, paghiling ng kabutihang kapalaran, damdaming romantiko, o pagnanasang seksuwal. Naging kasingkahulugan din ito ng
dampi,
beso, at
besu-beso. At kaugnay ng mga salita o pariralang
dapuan ng halik,
iduop, at
sagian ng halik. Naghahalikan o nagbibigay ng halik ang bawat isang tao sa pamamagitan ng pagdirikit ng kanilang mga labi at ng kanilang mga
bibig. Iba-iba ang kahulugan ng halik sa sari-saring mga kalinangan. Sa mas karaniwan, naghahalikan ang mga tao upang magpakita ng pagmamahal o pag-ibig at damdamin para sa isa't isa. Kung minsan, nagpapalitan ng halik ang mga tao bilang tanda ng pagkakaibigan o pagiging magkaibigan. Kung minsan din, nagiging isa itong ritwal ng pagbati o batian.