Ang
Klasikos o
Klasiks, partikular sa loob ng tradisyon ng Pamantasan ng Gawing Kanluran, kapag ginagamit bilang katangi-tanging pangngalan, ay ang pag-aaral sa
wika,
panitikan,
kasaysayan,
sining at ibang mga aspeto ng kulturang
Griyego at
Romano noong panahon na tinatawag na klasikong lumang panahon. Bilang isang maramihang pangngalang nabibilang
"mga klasiko", maaari na tumukoy ito sa mga teksto na sinulat sa lumang mundo ng Mediteranyo. Isang pangunahing paksa sa
humanidades ang pag-aaral ng mga klasiko, at kadalasang tinatawag na
humanista ang mga taong nababasa ng mga klasiko.