Sa mga larangan ng
pisika, ang
klasikong mekaniks o
klasikal na mekaniks ay isa sa dalawang pangunahing kabahaging larangan ng pag-aaral sa loob ng agham ng
mekaniks, na nakatuon sa pangkat ng mga batas na pisikal na namamahala at maka-matematikang naglalarawan sa mga galaw o mosyon ng mga katawang pisikal at mga kumpol ng mga katawan maka-heometriyang nakakalat sa loob ng isang partikular na hangganan sa ilalim ng kilos ng isang sistema ng mga puwersa. Bukod sa klasikong mekaniks, ang isa pang kabahaging larangan ng pisika ay ang
kuwantum mekaniks.