Ang isang
kodigo ng makina ay isang sistema ng hindi mahahating mga instruksiyong isinagawa ng direkta ng
CPU ng isang kompyuter. Ang bawat instruksiyon ay gumaganap ng isang napaka-spesipikong trabaho na karaniwan ay isang operasyon sa isang unit ng datos(sa rehister o sa
memorya gaya ng
add o
move) o isang operasyong
jump(pagtalon) na nagpapasya kung anong susunod na instruksiyon ang isasagawa na kadalasan ay kondisyonal sa mga resulta ng isang nakaraang instruksiyon. Ang bawat maisasagawang programa ay binubuo ng sunod sunod ng mga atomikong instruksiyong ito. Ang kodigo ng makina ay maaaring ituring na isang nakasalalay hardwer na
wikang pamprograma o bilang isang pinakamababang lebel ng representasyon ng isang kinompilyang programa ng kompyuter. Bagaman posibleng sumulat ng programa ng kompyuter sa kodigo ng makina, dahil ito ay isang nakapapagod na kahirapan sa pangangasiwa ng mga pinagkukunang
CPU, ito ay bihirang ginagawa sa kasalukuyan maliban sa mga sitwasyong nangangailangan ng sukdulang optimisasyon. Ang halos lahat ng mga mapapatakbong mga programa ay isinulat sa mga mas mataas na lebel ng wika at isinalin sa mapapatakbong kodigo ng makina ng isang kompayler at linker. Ito ay minsang tinatawag na katutubong kodigo kapag tumutukoy sa nakasalalay sa platapormang mga bahagi ng mga katangian ng wika o mga aklatan.