kolon


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Malaking isaw
Ang kolon o malaking isaw ay isang bahagi ng isaw o malaking bituka, na itinuturing na huling bahagi ng sistemang panunaw sa karamihan ng mga bertebrado; hinahatak at kinakatas (ekstrasksyon) ang tubig at asin mula sa mga tae (buong dumi) bago ang mga ito alisin mula sa katawan. Ito ang pook kung saan nagaganap ang permentasyon ng mga materyal na hindi nasipsip ng katawan, at tinutulungan ng sanghalamanan (karamihang mga bakterya). Hindi katulad ng maliit na bituka, ang kolon o malaking isaw ay hindi gumaganap sa pangunahing tungkulin ng pagsipsip ng mga pagkain at ng mga sustansya o nutriyente. Subalit, ang kolon ay hindi sumisipsip ng tubig, sodyum, at ilang mga bitaminang natutunaw sa taba.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.