Ang
kolonya ay ang
lupang sakop o
pook na nasasakupan. Ito rin ang tawag sa mga taong dumayo sa pook na sinakop, kasama ang naging mga kaapu-apuhan nila, partikular na ang nananatiling umuugnay sa bansa o inang-bayang iniwanan nila. Sa larangan ng
biyolohiya, tumutukoy ang salita sa pagdami o kaya pagtubo ng mga
mikroorganismo sa isang midyum na masustansiya. O kaya sa langkay o pangkat ng mga hayop na namumuhay ng magkakasama sa isang lugar o
kolonisasyon, katulad halimbawa ng mga
bubuyog.