Ang
kolusyon o
pakikipagsabwatan(Ingles:
collusion) ang kasunduan sa pagitan ng dalawa o maraming mga indibidwal na minsan ay ilegal at sikretibo upang limitahan ang bukas na
kompetisyon sa pamamagitan ng pandaraya, panliligaw o panloloko ng ibang mga tao sa kanilang mga legal na karapatan, o upang magkamit ng obhektibong pinagbababawal na
batas sa pamamagitan ng pandaraya o pagkakamit ng hindi patas na kalamangan. Ito ay kasunduan sa mga kompanya na hatiin ang
pamilihan, magtakda ng mga presyo o limitahan ang produksiyon. Ito ay maaaring sumangkot sa pagmamanipula ng
sahod,
kickbacks, o maling pagkakatawan sa indepediyensa ng ugnayan sa pagitan ng mga partido nagsasagawa ng kolgusyon. Sa mga terminong legal, ang lahat ng mga gawain apektado ng kolusyon ay tinuturing na walang saysay.