Ang
kometa,
kometin,
bandos o
buntala (mula sa
tala na may buntot) ay isang Maliit na Katawan ng
Sistemang Solar na umoorbita sa
Araw at, kapag malapit na sa Araw, nagkakaroon ito ng nakikitang koma (atmospera) o isang buntot — parehong mula sa epekto ng radyasyong solar sa ibabaw ng kabuuran (
nucleus) ng buntala. Koleksyon ng yelo, alikabok at maliit na mabatong tipik ang kabuuran ng buntala na sumusukat ng ilang kilometro o sampung
kilometro ang haba.