Ang
komiks ay isang grapikong medyum na kung saan ang mga
salita at
larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang
salaysay o
kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita, at binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang makaapekto ng higit sa lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks sa
kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng
sining na kinabibilangan ang lahat ng mga uri (
genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.