Ang katagang
pamayanan o
komunidad ay may dalawang magkaibang mga kahulugan. Ito ay maaaring isang pangkat ng nag-uugnayang mga
tao, na nabubuhay na magkakalapit, na ang kalapitan ay ayon sa puwang, oras, o ugnayan. Ang pamayanan ay pangkaraniwang tumutukoy sa isang yunit na panlipunan o pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa isang
tahanan,
mag-anak, o
pamamahay (kabahayan) na may pinasasaluhang karaniwang mga pagpapahalaga at may matibay na pagsasamahang panlipunan (kohesyong sosyal). Ang kataga ay maaari ring tumukoy sa pambansang pamayanan o sa pandaigdigang pamayanan (pamayanang internasyunal). Ang pangalawang pangunahing kahulugan ng pamayanan ay ang pagiging isang pangkat ng mga
organismo, maaaring ibang hayop na bukod pa sa tao, na may interaksiyon o ugnayan na
namumuhay at nagsasalo ng isang kapaligirang may
populasyon.