Ang
konde ay isang taong nabibilang sa mga maharlika sa mga bansa sa
Europa.
Kondesa ang tawag sa asawa ng isang konde. Sa
Ingles, kilala ang konde bilang
count, samantalang
countess naman ang kondesa. Nagmula ang salitang
count ng Ingles mula sa
Pranses na
comte, na nagbuhat naman sa
Lating
comes—sa kasong akusatibong
comitem—nangangahulugang "kasama", at pagdaka bilang "kasama ng emperador" o "delegado ng emperador". Katumbas ito sa Britanya ng isang
erl, na tinatawag ding "kondesa" ang asawa, dahil sa kakulangan o kawalan ng Angglo-Saksong panawag. May alternatibong mga pangalan para sa ranggong "konde" sa kayariang pangnobilidad na ginagamit sa ibang mga bansa, katulad ng Hakushaku noong panahon ng
Imperyo ng Hapon.