Ang
pagkokonduktor ay ang sining ng pangangasiwa, pamamahala, paggabay, o pamamatnubay ng isang kaganapang
pangmusika sa pamamagitan ng nakikita at napagmamasdang mga kilos. Ang pangunahing mga tungkulin ng
konduktor na pangmusika ay ang pagkaisahin ang mga manunugtog o tagaganap, ang itakda o italaga ang tiyempo o tulin ng tugtugin, ang magpatupad ng malinaw na mga paghahanda at mga kumpas, at ang makinig na nagsusuri at ang hubugin ang tunog ng pangkat ng mga manunugtog. Ang mga
orkestra, mga koro, mga bandang pangkonsiyerto at iba pang mga pangkat na pangmusika ay kadalasang mayroong mga konduktor.