Sa Pilosopiya, ang
katapusang pangungusap (conclusion) sa isang
silogismo ay ang kaalaman, na maituturing na tama o mali, batay sa ugnayan ng
pangunahing palagay (major premise) at
nakapailalim na palagay (minor premise). Taglay nito ang
pangunahing paksa (major term) at nakapailalim na paksa (minor term). Wala itong panggitnang paksa (middle term).