Ang
kordong espinal,
kordong panggulugod o
kuwerdas na panggulugod ay isang manipis na mala-tubong bungkos ng mga hibla o pibra ng nerbo na karugtong ng sentro ng sistemang nerbiyos mula sa
utak, at nakalakip sa loob at pinagsasanggalang ng mabutong
gulugod. Nasa loob ito ng
haliging panggulugod kolumnang espinal (tinatawag ding
butong panglikod o
butong panglikuran). Pinakapangunahing tungkulin ng kurdong panggulugod ang pagpapadala (pagtatrasmiti) ng mga
input o "ipinapasok" ng
neuron sa pagitan ng kapaligiran (ang periperi) at ng
utak.