Ang
korona (Ingles:
wreath) ay ang kalipunan ng mga bulaklak o mga dahon katulad ng dahon ng laurel na binilog upang maging hugis ng malaking sinsing o anilyong maipapatong sa ulo ng isang tao. Ginagamit itong pamparangal o gantimpala, katulad ng sa isinasagawa sa pagbibigay ng premyo sa mga paligsahang atletiko noong sinaunang mga panahon (halimbawa na ang sa
Sinaunang Palarong Olimpiko).