Ang
awtomobil o
kotse ay isang sasakyang may motor at
gulong para sa
paglilipat ng mga pasahero, na nagkakarga rin ng sarili nitong makina o motor. Tumutukoy ang karamihan ng mga kahulugan ng katawagan sa mga awtomobil na pangunahin dinisenyo para tumakbo sa mga lansangan, mayroong upuan para sa isa hanggang walong katao, may apat na gulong, at ginawa upang ibiyahe ang mga tao sa halip na mga paninda. Gayon pa man, mas tumpak ang katawagang
awtomobil, dahil may maraming uri ng mga sasakyan na ginagawa ang katulad na gawain.