Ang
koyote (mula sa Ingles na
coyote, ganito rin sa
wikang Kastila; ;
Canis latrans), kilala rin bilang
lobo ng parang (
prairie gray wolf o
prairie wolf sa Ingles), ay isang
mamalyang sa ordeng
Carnivora. Matatagpuan ang mga
uri sa kabuoan ng
Hilaga at
Gitnang Amerika (Sentral Amerika), mula
Panama sa timog, hilagang tumatawid ng
Mehiko, sa
Estados Unidos, at
Kanada. Lumilitaw ito hanggang sa malayong hilaga ng
Alaska at lahat maliba sa pinakahilagang bahagi ng Kanada. Sa kasalukuyan, mayroong mga kinikilalang mga 19
sub-uri, na 16 ang nasa Kanada, Mehiko, at Estados Unidos; at 3 sa Gitnang Amerika. Hindi tulad ng pinsan nitong abong lobo, na nagmula sa
Eurasia, nagmula ang koyote sa Hilagang Amerika kasabayan ng lobong Dire. Iniisip ng ilang mga eksperto na ang pinagmulang Hilagang Amerika ng koyote ang dahilan kung bakit mas adaptibo kesa mga lobo; dahil sa mga presyong prehistoriko na kinasasangkutan ng mas malawak o mas malakas na predasyon (paninila ng ibang hayop para kainin).