Ang
alamang (Ingles:
krill) o
aramang ay isang espesye ng mga maliliit na
hipon. Ang mga ito ay isang uri ng mga hayop na
inbertebrado na naninirahan sa dagat. Mahahalagang mga organismong sooplankton ang maliliit na mga
krustasyanong ito, partikular na bilang pangunahing pagkain ng mga
balyena, mga
dambuhalang page (mga
higanteng manta), mga
isdantuko, mga karnerong-dagat na kumakain ng alimango, at iba pang mga
karnerong-dagat, at ilang uri ng mga ibong-dagat na halos kumakain lamang ng mga ito. Isa pang katawagan sa mga kril ang
euphausiid, mula sa kanilang ordeng pangtaksonomiyang
Euphausiacea. Nagmula ang pangalang
krill mula sa
Noruwegong na may ibig sabihing "batang kawag-kawag," "batang similya ng isda," o "batang tagumanak ng isda," na ikinakabit din sa iba pang mga uri ng isda.