Ang
krimen,
kabuhungan o
sala ay isang gawaing mapaparusahan ng batas o itinuturing na masamang gawain. Isa itong paglabag sa pangkaraniwang batas o batas publiko (halimbawa na ang itinatadhana ng Kodigo Penal o Binagong Kodigo Penal o sistemang legal). Maaari rin itong isang pagtrato o kalagayang hindi makatarungan o hindi makabatas. Mabibigyang kahulugan din ito bilang isang maling gawaing itinuturing ng isang estado o ng Kongreso bilang isang pelonya (
felony sa Ingles) o isang kasalanang hindi gaanong mabigat (
misdemeanor sa Ingles, na may kahulugang "pag-uugaling masama") na ang parusa ay maaaring multa o pagkakakulong sa lokal na kulungan. Sa pangkalahatang diwa, ang krimen ay kinabibilangan ng lahat ng mga paglabag, subalit sa diwang limitado ay nakatuon lamang sa pelonya.