Ang
bubog o
kristal, tinatawag ding
namuong bubog,
bubog na buo,
kristalinang solido, o
solidong kristalina ay isang
buo o solido na ang mga
molekula (o mga
atom) ay nakaayos sa isang paulit-ulit na anyo o padron. Kung minsan, kailangang maglapat ng presyon sa isang bagay o sustansiya upang mabuo ang mga bubog nito. Ang pag-aaral ng mga bubog ay tinaguriang
kristalograpiya.