Ang
kromosoma(Ingles:
chromsome) ay isang inayos na istraktura ng
DNA at
protinang matatagpuan sa mga
selula. Ito ay nag-iisang piraso ng pinulupot na
DNA na naglalaman ng maraming mga
gene, mga regulatoryong elemento at ibang sekwensiya ng nucleotide. Ang mga kromosoma ay naglalaman rin ng tinatakdaan ng DNA na mga protina na nagsisilbing tagabalot ng DNA at tagakontrol ng mga tungkulin nito.