Ang
krus ay isang bagay na hugis "
†" (maliit na T na walang buntot), karaniwang yari (ngunit hindi lamang) sa dalawang tabla ng kahoy. Namatay si
Hesus sa pamamagitan ng
pagpapako sa krus. Binabaybay din itong
kurus at katumbas ng
krusipiho, isang bagay na matatagpuan sa mga dalanginan o
altar. Kaugnay ng krus ang
pag-aantanda,
pagkukrus, o
pagsasangalan ng ama. Nagmula ang
antanda (ang
tanda) mula sa katagang
ang tanda ng Santa Krus. Bagaman may salitang
krusan, mas angkop ang
krusan sa paggawa o paglalagay ng hugis na ekis o "
X", na natatawag ding
krus.