Ang
aguhon o
kumpas ay isang kasangkapan o instrumentong
panligid na ginagamit sa pagguhit ng mga bilog o mga kalahating bilog (arko), katulad ng sa
arkitektura o
pagpipinta. Mayroong
mekanikal na aguhon,
pangkaraniwang aguhon o
normal na kumpas, at
panghating aguhon. May mekanikal na lapis ang
aguhong mekanikal, habang mayroon namang kabitan o ipitan ng lapis o bala ng lapis ang
karaniwang aguhon na mababago o maiaakma ang haba. Samantala, may dalawa namang matutulis na dulo ang pandrowing din na
panghating kumpas na ginagamit sa pagtatanda o pagmamarka ng mga layo at haba, habang gumagamit ng mga teyorem ng
heometriya.