Ang mga
kuneho ay mga maliliit na
mamalyang nasa
pamilyang Leporidae ng uri o order na Lagomorpha, na matatagpuan sa maraming parte ng mundo. May pitong magkakaibang
genera sa pamilya nito at tinatawag na mga kuneho: kabilang ang kunehong Europeano (
Oryctolagus cuniculus), kunehong buntot-bulak (genus na
Sylvilagus; 13
espesye), at ang kunehong Amami (
Pentalagus furnessi, isang namimiligrong espesye sa Amami Oshima,
Hapon). May iba pang mga espesye ng kunehong bumubuo sa order na Lagomorpha na kabilang ang mga buntot-bulak, mga pika, at mga tinatawag na
hare]sa wikang
Ingles. Sa pangkalahatan, nabubuhay ang mga kuneho na may habang apat hanggang dalawampung mga taon.